Paul's Blog

Covid-19 Pandemic

covid-19

Covid-19 ay isang matinding sakuna na nangyari ngayon taon, maraming bansa ang tinamaan at naapektuhan ang mga kabuhayan. Sa kasalukuyan ang Pilipinas ay naka lockdown or naka enhanced community quarantine. Ayun sa live data ng https://covid19stats.live/ ang bilang ng confirmed cases sa Pilinas ay hindi bumababa at lalo pang tumataas. Maraming nagsasabi na sana noon pa ay gumawa na ng hakbang ang gobyerno para maiwasan ang Covid-19, para sa akin medyo palpak ang DOH sa pag handle nito. Sa ngayon ginagawa na ang lahat ng ating gobyerno para mapigilan ang paglaganap nito pero likas sa mga Pinoy na maging pasaway, kahit pinatupad na ang ECQ marami parin ayaw sumunod sa utos ng gobyerno na manatili sa bahay, mag mask kapag lalabas or social distancing.

social distancing

Hindi biro ang virus na toh at marami na namamatay sa kasalukuyan, sana magkaroon ng disiplina mga Pinoy para matulungan ang gobyerno sa pagpigil sa paglaganap nito. Dito sa Taiwan naging maayos ang paghandle sa Covid-19 at sa ngayon konti palang ang kaso dito. Nagkaroon ng patakaran agad sa pagbili ng mask para maiwasan ang hoarding sa mask at ibenta sa mataas na halaga at sana humingi sana ng tulong ang ating gobyerno kung paano mapipigilan ang paglaganap. Sa buong ASEAN country ang Pilipinas ngayon ang numero uno sa pagkakaroon ng kaso ng Covid-19. Panahon na magtulong tulong at hindi magisisihan at sana tumulong din mga oposisyon sa gobyerno kesa maghanap ng butas para sa sarili nilang kapakanan. Hindi panahon ngayon para sa politics!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *