Due to curiosity and my desire na tumubo ulit ang buhok ko (lahi kasi namin nagiging panot) sinubukan ko ang Minoxdil 5% for Men, sinubukan ko muna ang liquid type which is gawa ng Kirkland at mura din compare sa iba pa mga brands.
Sa unang buwan ay medyo ok naman at wala akong naramdaman na sinsasabi nilang pangangati pero after 1 and a half month umpisa na ang pangangati ng ulo ko at nagkaroon ng rashes at pamumula, napansin ko din na nagkaroon ng maliliit na bukol kaya nagdecide ako na subukan ang foam/mousse type baka mawala ang sobrang kati ng ulo. Bumili ulit ako ng panibagong Minoxidil which is Regaine foam 5% for Men at syempre mas mahal ito compare sa liquid. Nabasa ko sa net na wala sya ingredient na nakaka cause ng pangangati ng ulo kaya sinubukan ko.
Malaking improvement after ko gamitin ito at nabawasan rin ang pangangati pero may oras ng sobrang kati parin lalo na sa gabi pero kaya naman tiisin, sinubukan ko ito ng mahigit sa isang buwan pero parang wala ako nakikitang improvement at isa pa di gumagaling mga sugat na dulot ng una kong ginamit na liquid type kaya I decided to give up using Minoxidil. I might try using it again kapag gumaling na sugat sa ulo ko at sa palagay ko mali ang start ng paggamit ko. Maaari siguro naiwasan ang pangangati kung sa umpisa palang ginamit ko ay foam type, nagkaroon ng positive effect naman ito para sa kapatid kong babae dahil sa paninipis ng kanyang buhok. I still strongly advice na kumunsulta muna sa doctor bago gumamit nito para malaman nyo kung ito ay nakakabuti sa inyo or makakatulong sa inyo.