Paul's Blog

Magmahal habang tayo ay nabubuhay pa

thankful

Ito ay aking unang blog na tagalog at sana ay magustuhan niyo. Minsan ang buhay na hiniram natin di natin alam kung kelan babawiin ng Diyos, sa mga nakaraang linggo at araw may mga pangyayari sa buhay namin mag-asawa na di inaasahan. Ang una ang biglaan pagkawala ng Ama ng aking asawa at pagkatapos ng libing pagkaraan ng ilang araw ang kapatid naman ng aking byenan ang pumanaw. Kaya habang tayo ay buhay pa at buhay pa mga mahal natin sa buhay ay bigyan sila ng halaga at pagmamahal at di natin alam kung kelan sila kukunin ng Diyos o kelan tayo kukunin.

Pahalagahan ang bawat isa para di magsisi kapag ang mahal natin sa buhay ay bigla mawala. Naranasan ko na mawalan ng mahal ko sa buhay at di man lang ako nakapagsabi kung gaano ko sila kamahal. Ngayon ang Mama ko nalang ang natitira sa amin at hangga’t maaari ay ipaparamdam ko kung gaano ko sya kamahal.

Minsan nakakatakot marinig ang salitang kamatayan dahil di na natin makikita ang mahal natin sa buhay pero alam ko sila ay andyan parin para bantayan ka hanggang sa huling hininga natin at sa pagkikita sa buhay na walang hanggan

Sana may natutunan kayo sa akin, ang buhay ay maikli lang at di natin alam kung hanggang kailan ito. Mahalin natin ang isa’t isa lalo na mga magulang natin.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *