Recently DOH press conference have included Taiwan on travel ban dahil sa “One-china Policy” at ito ay di naging maganda sa pandinig ng Taiwanese. Maraming Taiwanese ang nag react dahil dito sapagkat ang Taiwan ay hindi parte ng China. Para sa akin okay lang naman mag implement ng ban dahil sa widespread na virus ngunit sana bago mag implement ng ban ay pag-aralan muna mabuti at gawin basehan kung saan mga lugar ang pinaka madami naapektuhan ng epidemya.
Kasalakuyan ay madami rin naguguluhan sa naging ban sa Taiwan lalo na mga OFW na nasa bakasyon ngayon sa Pilipinas. Hanggang ngayon ay wala pang pahayag ang MECO or advisory para maging malinaw ang lahat. Bago pa man naghayag ng ban ay naglabas ang DOH ng post sa kanilang facebook page na mga galing sa Taiwan ay magkakaroon ng mandatory quarantine at ito ay nagdala rin ng kaguluhan sa mga magbabakasyon o pauwi sana ngunit kinabukasan ay tinanggal din nila ang post. Marami rin mga Airlines na nag kansela na ng mga flights dahil dito sa biglaan na pag anunsyo sa travel ban.
Sa ngayon ang katanungan ng lahat ay paano na mga nasa bakasyon at kung makakabalik ba sila? kung di man makabalik ano magiging tulong ng gobyerno? sapat ba ang sa ngayon na binibigay nilang P10,000? magkakaroon ba ng mandatory quarantine? Ang balita ngayon ay naghain ng petition ang Taiwan para ikansela ang travel ban at madami nag aantay sa magiging sagot ng Pilipinas tungkol dito.